Thursday, February 24, 2005

 

Namamaalam

Paalam inang nagmamahal
patawad sa aking paglisan
Ngayo'y matutupad ang matagal ng dasal
Na isang buhay na puno ng kapayapaan

Paalam amang nagtataguyod
patawad sa aking paglayo
Sa wakas iiral ng ang iyong alinsunod
at mawawaksan ang pagbabalat- kayo

Paalam kapatid, kahati sa buhay
patawad at ika'y iniwang bigo
nawa'y maintindihan sa iyong pagkalumbay
na sukdulan na ang hapdi ng aking puso

Paalam kaibigang na laging nariyan
kasakasama sa bawat gawain
Patawad at ika'y aking iiwanan
at tuluyang mawawala sa iyong piling

Paalam irog, aking sinta
laging kasama sa tuwina
Patawad at hahayaang kita
na humarap sa dusang na nag-iisa

Paalam mundo na sa aki'y nagluwal
bukang liwayway di muli mapagmamasadan
Aking wawaksan ang buhay kong pagal
upang pighati'y di na muli maramdaman

Comments:
napagisip-isip ko na minsan, ang pamamaalam ay ang pinakamainam na solusyon sa lahat ng problema, sa lahat ng sakit at hapdi.
naisip ko rin na kay sarap nang mamaalam. Lalo na kung mukhang wala nang dahilan kung bakit ka pa mamamalagi.
Lalo na kung hindi mo na makayanang humakbang pa sa bigat ng iyong pasanin.
Lalo na kung hindi ka lumuluha kundi ay patuloy na nagkukubli ng sakit at galit. PAtuloy kang nagpaparaya kahit alam mong hindi na makatarungan, hindi na makabuluhan.
Ikaw nalang ang laging talo, saan ka man lumugar. Sayo isinisisi ang lahat ng kasamaan sa mundo.
Ayoko na rin...
Sabay na tayong sumuko...
 
Post a Comment

<< Home